Bagyong Chedeng napanatili ang lakas; Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa simula bukas
Napanatili ng Severe Tropical Storm Chedeng ang lakas nito habang nananatili sa karagatan.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,090 km East ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
Wala namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal saanmang lugar sa bansa.
Ayon sa PAGASA, walang magiging direktang epekto ang bagyo sa bansa sa susunod na 3 hanggang 5 araw.
Gayunman, posibleng mapalakas nito ang Southwest Monsoon o Habagat.
Simula bukas, posibleng makaranas ng monsoon rains sa ilang mga lugar sa Visayas, Romblon, Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan kabilang ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands, Surigao del Norte, Dinagat Islands, at Camiguin. (DDC)