Makapal na usok namataan sa crater ng Mt. Mayon; 98 rockfall events naitala ng Phivolcs

Makapal na usok namataan sa crater ng Mt. Mayon; 98 rockfall events naitala ng Phivolcs

Nagbuga ng makapal na usok ang Bulkang Mayon, Huwebes (June 8) ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, base sa kanilang monitoring ay wala pa namang naitatalang pagsabog sa bulkan.

Ang aktibidad ngayong umaga ay ay pagbubuga ng usok o abo mula sa crater ng bulkan.

Sa datos ng Phivolcs, sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 98 rickfall events sa Mt. Mayon.

Abg sulfur dioxide na naitala mula sa bulkan ay umabot sa 332 tonnes per day ang average at may taas na 500 meters.

Nananatiling nasa alert level 2 ang bulkan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *