“Walk for creation” idinaos ng environment watchdog group na BAN Toxics
Nagdaos ng “walk for creation” ang environment watchdog group na BAN Toxics kamakailan.
Isinagawa ang aktibidad bilang paggunita sa World Environment Day.
Nagsimula ang “walk for creation” sa Barasoain Church patungo sa La Consolacion University Philippines (LCUP) sa Malolos, Bulacan sa pakikipag-ugnayan sa Diocese of Malolos – Commission on Social Action, Diocesan Ecological and Environmental Program, Knights of Columbus, Diocesan Commission on Youth, Catholic Women’s League, Commission on Evangelization, Basic Ecclesial Community, mga guro at estudyante ng LCUP at Bulacan State University.
Nagsagawa din ang grupo ng awareness raising hyflex conference kung saan tinalakay ang mga problema at mga posibleng solusyon para masawata ang plastic pollution.
Kabilang dito ang panawagang pagkakaroon ng global plastics treaty at paghikayat sa publiko na bawasan ang plastic waste generation. (DDC)