13-pulis Las Piñas binigyan ng parangal

13-pulis Las Piñas binigyan ng parangal

Aabot sa 13 na tauhan ng Las Piñas City Police Station ang tumanggap ng parangal mula sa Rotary Club of Las Piñas.

Sa sideline ng isinagawang flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan, malugod na binati nina Vice Mayor April Aguilar at Col. Jaime O. Santos,hepe ng pulisya, ang mga awardees na sina Lieutenant Colonel Antonio De Luna, Major Romeo Britanico, Maj. Knowme Sia, Maj. Albert Arevalo, Maj. Gladys Biare, Captain Robert Kodiamat, Capt. Alberto Vida,Executive Master Sergeant Jose Abitria III, EMS Arnel M Ydio, Senior Master Sergeant Romina C. Casangkapan, SMS Ritche Pal, Staff Sergeant Chrischel Malayao, at SSgt. Jamalodin Maruhom.

Binigyang-pagkilala ng Rotary Club ang mga nasabing pulis dahil sa pagpapamalas ng hindi matatawarang pagganap ng kanilang tungkulin, responsibilidad at tuluy-tuloy na pagseserbisyo at pagprotekta sa buong komunidad ng Las Piñas.

Ang mga pinakatatangi at pinakamahuhusay na alagad ng batas ay nagpakita rin ng hindi mapapantayang liderato, katapangan at sinumpaang tungkulin sa pagpapanatili ng batas at kaayusan, pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan ng lungsod. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *