Pagkakasama ng Pilipinas sa ETA Program ng Canada ikinagalak ng DFA
Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakasama ng Pilipinas sa Electronic Travel Authorization (ETA) Program ng Canada.
Sa ilalim ng nasabing programa, pinapayagan ang visa free travel sa Canada para sa mamamayan ng ilang mga bansa kabilang na ang Pilipinas sa ialim ng ilang kondisyon.
Batay sa anunsyo ni Canada Minister of for Immigration Sean Fraser, papayagan ang mga Filipino citizen na magtungo sa Canada kung sila ay mayroong Canadian visirot’s visa na inisyu sa nakalipas na 10-taon o kaya ay mayroong valid US non-immigrant visa.
Ayon sa DFA, ang pagkakasama ng Pilipinas sa nasabing programa ay patunay ng lalo pang bumubuting pagkakaiban ng Canada at Pilipinas.
Sinabi ng DFA na ang Canada ay itinuturing ng Pilipinas bilang “close partner”. (DDC)