Bagyong Chedeng napanatili ang lakas habang nasa Philippine Sea
Napanatili ng tropical depression Chedeng ang lakas nito habang nananatili sa Philippine Sea.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,190 kilometers East ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bili sna 10 kilometers per hour sa direksyong pa-hilaga.
Ayon sa PAGASA, maaaring mapalakas ng bagyong Chedeng ang Habagat.
Maglalabas ng abiso ang PAGASA sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng monsoon rains. (DDC)