LPA sa Eastern Visayas nang ganap na bagyo; pinangalanang Chedeng ng PAGASA

LPA sa Eastern Visayas nang ganap na bagyo; pinangalanang Chedeng ng PAGASA

Lumakas pa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, naging ganap nang bagyo ang LPA at pinangalanan itong “Chedeng” na ikatlong bagyo sa bansa ngayong taon.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,170 kilometers east ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 55 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 3 hanggang 5 araw ay wala pang magiging direktang epekto ang bagyo saanmang bahagi ng bansa.

Inaasahang lalakas pa ang bagyo at magiging tropical storm araw ng Miyerkules, June 7. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *