Pasaherong Liberian national arestado makaraang mahulihan ng P55.3M na ‘shabu’ sa NAIA T3

Pasaherong Liberian national arestado makaraang mahulihan ng P55.3M na ‘shabu’ sa NAIA T3

Inaresto ng mga tauhan ng NAIA-IADITG ang dumating na isang pasaherong Liberian national matapos makita sa dalawang bagahe nito ang 8,138 gramo ng hinihinalang shabu

Ang mga nakumpiskang kontrabando ay tinatayang nagkakahalaga ng P55,338,400 na nakasilid sa improvised pouches ng dried shrimp at condiments sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Philip C. Campbell, 34-anyos, isang Liberian national, mechanical engineer at pasahero ng Qatar Airways Flight QR 934 na nagmula sa Doha, Qatar kung saan orihinal na pinanggalingan nito ay buhat sa Lagos, Nigeria via Qatar Airways Flight QR 1406.

Nagsagawa ng interdiction operation ang mga operatiba ng NAIA-IADITG sa Customs International Arrival Area, NAIA T3 sa nasabing lungsod na nagresulta ng pagkakaaresto ng dayuhang suspek.

Nasamsam ng otoridad ang dalawang checked-in baggage na naglalaman ng 15 na improvised pouches na may white crystalline substance; Liberian Passport; dalawang Boarding Pass; isang Customs Baggage Declaration Form; at cellphone.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *