6.1 Inflation rate naitala ng PSA noong nakaraang buwan ng Mayo
Bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Mayo kumpara noong buwan ng Abril.
Ito ay makaraang makapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 6.1 inflation rate noong Mayo na mas mababa kumpara sa 6.6 percent noong Abril.
Ito na ang ikaapat na sunod na buwan na nakapagtala ng pagbaba sa inflation ngayong taon.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation nitong Abril ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Transport.
Partikular na bumaba ang presyo ng gasolina, dieel at iba pang passenger transport.
Bumagal din ang pagtaas ng presyo ng food and non alcoholic beverages gaya ng isda at iba pang seafood, karne, gatas at iba pang dairy products, at itlog. (DDC)