74 na rockfall events naitala ng Phivolcs sa Bulkang Mayon
Nakapagtala ang Phivolcs ng 74 na rockfall events sa Mt. Mayon.
Ayon sa Phivolcs, umabot sa 208 tonelada ang average ng naitalang sulfur dioxide mula sa bulkan.
Noong Lunes (June 5) ay itinaas ng Phivolcs ang Alert Level 2 sa Bulkang Mayon.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan.
Sakaling magkaroon ng ash fall events sinabi ng Phivolcs na maaaring maapektuhan ang mga komunidad.
Payo ng PHivolcs sa publiko, gumamit ng pantakip ng ilong at bibig gaya ng malinis at basang tela o kaya naman ay dust mask. (DDC)