Negros Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa lalawigan ng Negros Occidental.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 35 kilometers southwest ng Sipalay City, 12:10 ng madaling araw ng Martes, June 6.
May lalim na 27 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa Sipalay City.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)