LPA binabantayan ng PAGASA sa Eastern Visayas
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Visayas.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 970 kilometers East ng Eastern Visayas.
Apektado naman ng Habagat ang western section ng Southern Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang Habagat ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan.
Habagat at localized thunderstorm din ang magdudulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa. (DDC)