TRAFFIC ADVISORY: Re-routing ipatutupad sa ilang lansangan sa Makati para sa isasagawang earthquake drill sa June 8
Magpapatupad ng traffic re-routing ang Makati Public Safety Department para sa isasagawang 2nd National Simultaneous Earthquake Drill sa June 8, 2023.
Ang re-routing ay ipatutupad mula 2:00 ng hapon hanggangb 5:00 ng hapon.
Ilang kalsada sa Brgy. Poblacion ang maaapektuhan ng re-routing.
Ang earthquake drill ay isasagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (DDC)