Bagong commemorative coin set inilabas ng BSP
Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong commemorative coin set para sa paggunita ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Kabilang sa commemorative coin set ang P100, P20, at P5 coin.
Ang paglulunsad ay ginawa sa Malakanyang, araw ng Lunes (June 5).
Ayon sa BSP, ang P100 coin ay sumasalamin sa paggunita ng Kalayaan ng Pilipinas, ang P20 ay para sa pagkakatatag ng Unang Republika sa Barasoain Church, at ang P5 naman ay para gunitain ang katapangan ng mga Pilipinong lumaban noong Philippine-American War.
Sa paggawa ng Anniversary of Philippine Independence and Nationhood (APIN) coinset, gumamit ang BSP ng latest na digital printing technology.
Ang mga colored coin ay hindi ilalabas sa sirkulasyon. Maaari itong mabili sa https://bspstore.bsp.gov.ph/.
Iaanunsyo ng BSP sa social media channels nito kung kailan magiging “available for sale” ang bagong coin set. (DDC)