Bagong Ro-Ro Passenger Vessel maglalayag sa GenSan
May bagong passenger vessel na bibiyahe sa General Santos City.
Kamakailan pinasinayaan ng Maritime Industry Authority Regional Office V (MRO5) ang bagong Ro-Ro Passenger Vessel ng Santa Clara Shipping Corporation na MV “GENERAL SANTOS” sa Pantao Port, Libon Albay.
Ang MV “General Santos” ay bibiyahe rutang Pioduran, Albay-Masbate City at maaari ding mag-operate sa iba pang ruta gaya ng Lipata, Surigao City – Liloan, Southern Leyte, at vice versa; Matnog, Sorsogon – Santa Clara Port, Jubasan, Allen, Northern Samar at vice versa at Tabaco City – Virac, Catanduanes at vice versa.
Inaasahang makatutulong ito para lalo pang ma-serbisyuhan ang mga pasahero at cargo transportation. (DDC)