Recruitment agency sa QC ipinasara ng DMW

Recruitment agency sa QC ipinasara ng DMW

Ipinag-utos ng Department of Migrant Worker (DMW) ang pagpapasara sa isang travel consultancy agency na nasa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, ang nasabing travel agency ay nag-aalok ng trabaho sa Malta at Poland.

Pinangunahan ni Ople ang team ng DMW para isilbi ang closure order sa OVM Visa Assistance and Travel Consultancy.

Ang nasabing kumpanya wala sa listahan bilang licensed recruitment agency.

“To the public, please report to the DMW any travel or consultancy agency recruiting workers for abroad. These are clear violations of the anti-illegal recruitment law,” ani Ople.

Ang pagpapasara sa kumpanya ay kasunod ng reklamong inihain ni biktimang si alyas “Denise” sa Migrant Workers’ Protection Bureau ng DMW.

Sa surveillance operations na ginawa ng ahensya, ang kumpanya ay nag-aalok ng trabaho bilang kitchen helpers, housekeepers, waiters, at waitresses sa Malta at sa Poland.

Kabilang sa hinihingi ng OVM sa mga jobseeker ang magsumite ng kanilang pasaporte at biodata, at magbayad ng P420,000 na processing fees.

Hinihingan din ang mga aplikante na magbayad ng downpayment na P60,000.

Kapag naipalabas na ang work permit ang aplikante ay pagbabayarin ng P100,000 at ang balanse ay kanilang huhulugan at paghihintayin ang mga aplikante ng 6 hanggang 7 buwan bago ang kanilang deployment.

Inihahanda na ang reklamong illegal recruitment laban kay Vilma Rosario na may-ari ng ipinasarang travel agency. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *