Panahon ng tag-ulan pormal nang idineklara ng PAGASA
Pormal nang idineklara ng PAGASA ang panaho ng tag-ulan sa bansa.
Ayon sa PAGASA, ang naranasang mga pag-ulan dulot ng Super Typhoon (STY) “BETTY” at ng Southwest Monsoon o Habagat nitong nagdaang mga araw ay hudyat na ng pagsisimula ng tag-ulan.
Sinabi ng PAGASA na maaari pa rin namang makaranas ng monsoon breaks o ilang mga araw na walang mararanasang pag-ulan sa bansa.
Sa unang quarter ng taong 2024 ay mataas ang tsansang mararanasan ang El Niño kaya makararanas ng below-normal rainfall conditions sa bansa. (DDC)