Jisoo ng BLACKPINK nagpositibo sa COVID-19; hindi makadadalo sa concert ng grupo sa Osaka
Kinumpirma ng YG Entertainment na nagpositibo sa COVID-19 ang miyembro ng BLACKPINK na si Jisoo.
Ayon sa pahayag nag-self test si Jisoo noong May 30 makaraang makaranas ng mild symptoms pero negatibo ang resulta.
Noong June 1 ay nagpositibo na sa sakit si Jisoo.
Dahil dito, sina Jennie, Lisa at Rose lamang ang mapapanood ng fans sa BORN PINK World Tour sa Osaka, Japan sa June 3 at June 4.
Tiniyak din ng YG na maayos ang kondisyon ni Jisoo at nagpapagaling ito. (DDC)