DBM muling nagpaalala sa publiko laban sa mga fixer

DBM muling nagpaalala sa publiko laban sa mga fixer

Nagbabala sa publiko ang Department of Budget and Management (DBM) laban sa mga fixer at manloloko na nangangakong tutulong upang mapadali ang pakikipagtransakyon sa ahensya.

Binigyang-diin ng ahensya na hindi ito kailanman magbibigay ng otoridad sa kahit sinong indibidwal o grupo para humingi ng pera, goods o pabor kapalit ng pagpapadali ng mga transaksyon.

Para maiwasang maging biktima ng mga panloloko, hinihikayat ng DBM ang publiko na maging maingat at i-report ang anumang kahina-hinalang mga aktibidad para masampahan ng kaukulang kaso ang mga manlolokong indibidwal.

Para sa kaalaman ng publiko, ang pag-sumite ng request para sa Local Government Support Fund– Financial Assistance (LGSF-FA) to Local Government Units (LGUs) ay sa pamamagitan lamang ng Digital Requests Submission for Local Government Support Fund (DRSL) na makikita sa DBM Apps Portal.

Lahat ng dokumentong isusumite ng mga LGU sa ibang paraan ay otomatikong hindi tatanggapin.

Upang maiwasan ang mga scammer, middlemen, fraudulent individuals, o organized groups na makagawa ng maling representasyon na maaari silang maka-impluwensya o makapagpadali ng release ng LGSF-FA sa mga LGUs, ang DBM ay makikipag-transakyon lamang sa mga local chief executive ng bawat LGU.

Hinihikayat din ang publiko na maging mapagmatyag at i-report ang mga scam o iba pang bogus na aktibidad sa pagtawag sa (02) 865-7-3300. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *