Flight at ground operations sa NAIA ilang minutong nahinto dahil sa naranasang malakas na pag-ulan
Ilang minutong nahinto ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Biyernes (June 2) ng umaga dahil sa naranasang malakas na pag-ulan.
Itinaas ang RED ALERT sa NAIA, 5:39 ng umaga dahilan para suspendihin ang flight at ground operations sa paliparan.
Ang hakbang ay para matiyak na protektado ang mga personnel at mga pasahero sa NAIA dahil sa nararanasang pagkulog at pagkidlat.
Makalipas ang ilang minuto o dakong 5:53 ng umaga ay ibinaba na sa YELLOW ALERT ang ang Lightning Advisory sa NAIA at muling nag-resume ang flight operations. (DDC)