Pangulong Marcos ipinaabot ang suporta sa mga atletang Pinoy na lalahok sa 12th ASEAN Para Games sa Cambodia
Nagpaabot ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga manlalaro ng Pilipinas na lalahok sa 12th ASEAN Para Games sa Phnom Penh, Cambodia.
Sa kaniyang mensahe na ibinahagi sa Twitter, sinabi ng pangulo na proud ang sambayanan sa mga manlalaro ng Pilipinas na lalahok sa Para Games.
Ang opening ceremony para sa 12th APG ay gaganapin sa June 3.
Inaasahang magtatapos ang palaro sa June 9 ayon sa Philippine Sports Commission (PSC).
Kamakailan ay nagsagawa ng pagsasanay ang mga atleta ng bansa na lalahok sa Philippine Women’s and Men’s Wheelchair Basketball.
Noong June 1 ng gabi naman ay umalis na ng bansa patungong Cambodia ang Philippine Para Table Tennis, at E-sports team.
Ito ang unang pagkakataon na isinali ang E-sports sa APG, apat na taon matapos itong maisama sa Southeast Asian Games. (DDC)