Bagyong Betty nasa labas na ng PAR pero Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Habagat.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Biyernes, June 2 ay makararanas ng monsoon rains ang Occidental Mindoro, Antique, at northern Palawan kabilang ang Cuyo, Calamian, at Kalayaan Islands.
Maulap na papawirin naman na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, CALABARZON, Bicol Region, at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas.
Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang severe tropical storm Mawar na dating bagyong Betty ay nakalabas na ng bansa at huling namataan ng PAGASA sa layong 945 kilometers northeast ng Extreme Northern Luzon. (DDC)