BSP, TESDA at BDO magbibigay ng libreng Financial Literacy Course

BSP, TESDA at BDO magbibigay ng libreng Financial Literacy Course

Lumagda sa kasunduan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang BDO Foundation (BDOF) para sa pagbibigay ng libreng online course kaugnay sa personal finance.

Sa ilalim ng memorandum of agreement (MOA) magkakaroon ng libreng online course na layong paigtingin ang financial health ng mahigit 4 na milyong learners ng technical and vocational (tech-voc) skills.

Ayon sa BSP, malaking tulong ito para sa personal at financial growth ng isang indibidwal.

Sinabi ni Governor Felipe M. Medalla na ang pagtatapos sa nasabing kurso ay makatutulong para sa mas maraming oportunidad para sa pamilya.

Ayon kay Medalla, mahalaga ang pagkakaroon ng public-private partnerships sa pagbuo ng financial education programs na libre, epektibo, at accessible.

Naniniwala naman si TESDA Director General Cruz na ang mga manggagawa ay dapat handa sa kanilang financial decisions para makamit ang kanilang life at career goals.

Ang Financial Literacy Course (FLC) ay magiging available sa technical-vocational education and training (TVET) learners at sa general public sa pamamagitan ng TESDA Online Program na http://www.e-tesda.gov.ph simula sa 2024. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *