Pagbabago sa polisiya sa pag-claim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations ipinaalala ng DSWD

Pagbabago sa polisiya sa pag-claim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations ipinaalala ng DSWD

Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa bagong polisiya sa pag-claim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Ayon sa abiso ng kagawaran, simula ngayong araw, June 1, ay kailangan nang magtungo sa mga DSWD satellite offices na malapit sa lugar kung saan nakatira ang claimant.

Narito ang mga DSWD Satellite Offices:

• Victory Central Mall, Rizal Avenue, Monumento, Caloocan City para sa mga residente mula Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela

• Victory Food Market, Parañaque City para sa mga residente mula Pasay, Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa

• Gastambide St., Sampaloc, Manila para sa mga taga-Maynila, Makati, San Juan, Mandaluyong, at West QC

• DSWD Central Office IBP Road, Batasan Hills, Quezon City para sa mga taga-Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, Pateros, at North Caloocan

• Government Center, Starmall, Kaypian, City of San Jose del Monte, Bulacan para sa mga residente mula San Jose del Monte, Norzagaray, Sta. Maria, Marilao, at Angat

• Pasig City – para sa mga residente mula Pasig, Marikina, Taguig at Pateros

• Rodriguez, Rizal – para sa mga residente mula Rodriguez at San Mateo, Rizal

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *