Bagyong Betty patuloy ang paghina; lalabas na ng bansa ngayong araw

Bagyong Betty patuloy ang paghina; lalabas na ng bansa ngayong araw

Patuloy ang paghina ng Severe Tropical Storm Betty at inaasahan ring lalabas na ng bansa ngayong araw.

Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 570 km Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 100 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong North northeast sa bilis na 10 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, habang papalayo ng bansa ang bagyong Betty, ang Habagat naman ang magdudulot ng mga pag-ulan sa bansa.

Sa susunod na 24 na oras, ang Habagat ay magdudulot ng
paminsan-minsan hanggang sa madalas na pag-ulan sa northern Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Northern Samar at northern portion ng Samar.

Paglabas ng bansa, ang bagyo ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Okinawa Island. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *