MMDA, HPG at LTFRB nagpulong para mahanapan ng solusyon ang reklamo ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel
Nagpulong ang mga opisyal at kinatawan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kasama ang mga transport consortia at bus operators para mas maisaayos pa ang operasyon ng EDSA Bus Carousel.
Ang pulong ay pinangunahan ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana kung saan tinalakay kung paano matutugunan ang mga problema at reklamo mula sa mga pasaherong sumasakay sa Bus Carousel.
Kabilang dito ang dispatching ng mga bus, loading at unloading ng mga pasahero, at mga pasaway na driver.
Ayon kay GM Lipana, sisiguruhin ang mabilis na pag-dispatch ng mga bus, mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko sa EDSA Bus Carousel, at paniniket sa mga lalabag.
Pinag-usapan din ang pag-rehistro ng mga driver at bus sa MMDA Bus Management and Dispatch System (BMDS) para mamonitor kung sino sa mga ito ang mayroong maraming mga paglabag sa batas trapiko.
Tututukan ng HPG ang reklamo tungkol sa mga namamalimos sa EDSA Carousel at pagtukoy sa mga colorum na bus ang pagtutuunan ng pansin ng LTFRB.
Nagpahayag naman ng kooperasyon ang mga bus operators sa mga inilatag na solusyon at panukala ng mga sangay ng pamahalaan.
Ang EDSA Bus Carousel ay may ruta mula Edsa Monumento hanggang sa PITX sa ParaƱaque City. (DDC)