Malakanyang nakiramay sa pagpanaw ng brodkaster na tinambangan sa Oriental Mindoro
Nagpaabot ng pakikiramay ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa pamilya at mga kaibigan ng pinaslang broadkster sa Oriental Mindoro na si Cresenciano ‘Cris’ Aldovino Bunduquin.
Ang 50-anyos na biktima ay tinambangan ng motorcycle-riding suspects sa Brgy. Sta. Isabel, Calapan City, Mindoro Oriental.
Si Bunduquin ang ikalawang radio blocktimer na pinatay simula noong October 2022 kung kailan pinaslang si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nananatiling pinaghahanap ang gunman sa krimen.
Kaugnay nito sa tulong ng isang hindi pinangalanang indbidwal ay nag-alok ang PTFoMS ng P50,000 na pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng suspek. (DDC)