Radio Broadcaster sa Oriental Mindoro patay sa pamamaril
Nasawi makaraang tambangan ang isang radio broadcaster sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang bitkimang si Cresenciano Aldovino Bunduquin, 50-anyos ay nasawi makaraang tambangan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, madaling araw ng Miyerkules, May 31.
Nagkasa na ng hot pursuit operation ang PNP para mahanap ang suspek.
Inatasan na ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr. ang PRO Mimaropa na bumuo ng Special Investigation Task Group para tumutok sa kaso. (DDC)