Simulation Exercise on Counterrorism isinagawa ng PCG Central Visayas
Nagsagawa ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Central Visayas ng Simulation Exercise on Counterrorism sa karagatang sakop ng Mactan, Cebu.
Ipinakita sa nasabing pagsasanay ang mga resources, kakayahan at workforce ng Coast Guard kaugnay sa maritime law enforcement, maritime security, maritime safety, maritime search and rescue, at marine environmental protection.
Ang simulation exercise ay bahagi ng Asia Counterterrorism Intelligence Cooperation (ACTIC) 2023 Expertise Exchange na pinangungunahan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Intelligence Service (NIS) ng Republic of Korea.
Nagpadala ng kinatawan ang tatlong observer nations na kinabibilangan ng Czech Republic, Japan, at Sweden at pitong member nations na Indonesia, Kazakhstan, Malaysia, Philippines, Republic of Korea, Thailand, at Uzbekistan para sa ACTIC 2023 Expertise Exchange. (DDC)