Tito, Vic and Joey inanunsyo ang tuluyan nang pag-alis sa TAPE Inc.

Tito, Vic and Joey inanunsyo ang tuluyan nang pag-alis sa TAPE Inc.

Inanunsyo nina Tito, Vic and Joey ang kanilang pag-alis sa TAPE Inc. na producer ng longest running noontime show na Eat Bulaga.

Maraming manonood ang nagtaka ng replay ang ipinalabas na episode ng EAT Bulaga sa GMA-7 araw ng Miyerkules (May 31).

Sa halip na ang kanilang live show ang napanood sa GMA ay ang replay ng March 4 episode ang ipinalabas sa telebisyon.

At sa Youtube Channel ng Eat Bulaga lamang umere ng live ang May 31 episode kung saan nagsalita sina TIto Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Sa kanilang mensahe, kinumpirma ni Vic ang pag-alis na nila sa TAPE Inc.

Hindi naman binanggit pa ng tatlong host kung saan sila lilipat at kung saang channel na sila mapapanood.

Pero ayon kay Vic, saanman sila mapadpad ay magpapatuloy ang paghahatid nila ng “isang libo’t isang tuwa”.

(DDC)Narito ang opisyal na pahayag ng TVJ na ibihagi din sa kanilang Facebook page:

“PUMASOK PO KAMING LAHAT NGAYONG ARAW PARA MAGTRABAHO PERO HINDI PO KAMI PINAYAGAN NG NEW MANAGEMENT NA UMERE NG LIVE.

JULY 30, 1979 PO, NANG SIMULAN NAMIN ANG EAT BULAGA… 44 YEARS NA PO ITO NGAYONG TAON.
KAYA NAMAN LUBOS ANG AMING PASASALAMAT SA MGA NAGING TAHANAN NAMIN – ANG RPN9 FOR 9 YEARS, ABS-CBN FOR 6 YEARS, AT ANG GMA FOR 28 YEARS.
SALAMAT DIN SA LAHAT NG ADVERTISERS MULA 1979 NA NAGMAHAL, NAGTIWALA AT SUMUPORTA SA AMIN…
GANOON DIN SA INYO, MGA DABARKADS – SA MGA MANONOOD – SA INYONG PAGMAMAHAL SA PROGRAMANG NAGING BAHAGI NG INYONG TANGHALIAN.
LUBOS DIN ANG AMING PASASALAMAT KAY MR. TONY TUVIERA SA PAGKAKAIBIGAN AT PAGIGING BAHAGI NG AMING PAMILYA… AT HIGIT SA LAHAT, SA PANGINOONG DIYOS NA KAHIT KAILAN HINDI NIYA KAMI PINABAYAAN.
HINDI NA PO NAMIN ISA ISAHIN PA ANG LAMAN NG AMING PUSO.
ANG HANGAD LANG PO NAMIN AY MAKAPAGTRABAHO NG MAPAYAPA, WALANG INAAGRABYADO, AT MAY RESPETO SA BAWAT ISA.
SIMULA NGAYONG ARAW, MAY 31, 2023, KAMI PO AY NAGPAPAALAM NA SA TAPE INCORPORATED.
KARANGALAN PO NAMIN NA KAMI’Y NAKAPAGHATID NG TUWA’T SAYA MULA BATANES HANGGANG JOLO AT NAGING BAHAGI NG BUHAY NIYO.
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT. HANGGANG SA MULI…
SAAN MAN KAMI DALHIN NG TADHANA, TULOY ANG ISANG LIBO’T ISANG TUWA.”

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *