Panukalang batas na layong makapagtayo ng mga Regional Special Center pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado

Panukalang batas na layong makapagtayo ng mga Regional Special Center pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado

Nagpasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa mga kapwa niya mambabatas sa pagkakapasa ng kaniyang panukalang batas na Senate Bill No. 2212 o ang Regional Specialty Centers Act.

Sa kaniyang manifestation, sinabi ni Sen. Go na ang mga nakita niyang karanasan at narinig niyang kwento ng publiko ang dahilan para magpursige siyang magsulong ng batas na layong makapagpabuti pa sa healthcare system ng bansa.

Sinabi ni Go na layon ng regional specialty centers na mailapit ang serbisyo medikal sa mga kababayan lalung-lalo na sa mga mahihirap.

Sa ilalim ng panukala, aatasan ang Department of Health (DOH) na magtayo ng specialty centers sa bawat DOH hospitals sa kada rehiyon sa loob ng 5 taon.

Ito ay para mas matiyak ang availability ng healthcare professionals sa mga regional hospital.

Nakabatay din ang panukala sa Philippine Development Plan 2023 to 2028 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kung saan kasama ang pagtatayo ng specialty centers bilang bahagi ng health-related legislative agenda.

Aatasan ang DOH na makipagtulungan sa mga National Specialty Centers para maglaan ng expert personnel, specialized training, at karampatang equipment.

Sa ilalim ng panukala, binibigyan ng otorisasyon ang mga specialty centers na magkaroon ng medical specialists at mga eksperto para sa training at technical assistance.

Kapag ganap nang naging batas, ang DOH ay kailangang maglaan ng capital outlay investments sa pamamagitan ng Health Facilities Enhancement Program at makipagtulungan sa Department of Budget and Management para makabuo ng staffing patterns at standards para sa specialty centers, at posisyon para sa healthcare workers na maininilbihan sa pasilidad.

“This measure is a steadfast commitment, and a collective vision to improve our healthcare system. It demonstrates our dedication to delivering efficient specialized health care to every Filipino,” ayon pa kay Go.

Kasama rin bilang author ng panukalang batas sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva, Senators Sonny Angara, JV Ejercito, Pia Cayetano, Jinggoy Estrada, Imee Marcos, Robin Padilla, Win Gatchalian, Francis Escudero, Ronald dela Rosa, Ramon Revilla Jr., Cynthia Villar at Loren Legarda.

Habang co-author sina Senators Francis Tolentino, Raffy Tulfo at iba pang miyembro ng senado. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *