Occidental Mindoro at bahagi ng Palawan nakaranas ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat

Occidental Mindoro at bahagi ng Palawan nakaranas ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang bahagi ng Palawan at sa probinsya ng Occidental Mindoro bunsod ng patuloy at malakas na buhos ng ulan na epekto ng Habagat.

Sa heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA, 8:00 ng umaga ng Miyerkules (May 3) itinaas ang RED Warning Level sa lalawigan Occidental Mindoro at sa mga bayann g Busuanga, Culion, Coron, at Linapacan sa Palawan.

ORANGE Warning Level naman ang itinaas sa El Nido at Agutaya sa Palawan.

At YELLOW Warning Level sa Taytay, Cuyo, at Magsaysay, Palawan.

Pinayuhan ang publiko at ang disaster risk reduction and management council na gumawa ng mga hakbang at patuloy na bantayan ang lagay ng panahon. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *