Bilang ng mga inilikas sa Cagayan dahil sa Bagyong Betty umakyat na sa mahigit 1,000
Pansamantalang namamalagi sa mga evacuation center ang 1,016 na katao o katumbas ng 310 na pamilya sa Cagayan matapos silang ilikas dahil sa bagyong “Betty”.
Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa bayan ng Sta Ana ang may pinakamaraming inilikas na umabot sa 140 na pamilya o 425 na indibidwal.
Ang bayan naman ng Gonzaga ay nakapagtala ng 104 na pamilya na o 371 na indibidwal na isinailalim sa pre-emptive evacuation habang sa Isla ng Calayan ay umabot na sa 54 na pamilya o 182 ang indibidwal ang inilikas.
Mayroon ding 6 na pamilya o 18 katao sa bayan ng Gattaran ang inilkas at 6 na pamilya o 20 indibidwal sa bayan ng Sta. Teresita.
Una na ng nagbigay ng family food packs ang mga LGUs sa mga inilikas na residente. (DDC)