20 estudyante nahilo, nahirapang huminga sa insidente ng “smoke inhalation” sa Bacolod City College
Hindi bababa sa 20 estudyante ang nilapatan ng lunas sa insidente ng “smoke inhalation” sa Bacolod City College.
Nabatid na nangyari ang insidente sa kasagsagan ng aktibidad para sa final exams ng mga first year student ng nasabing paaralan.
Kabilang ang mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga rumesponde upang bigyan ng lunas ang mga estudyanteng naapektuhan.
Ayon sa PRC Negros Occidental – Bacolod City Chapter 14 sa mga pasyenteng kanilang naasistihan ay nakaranas ng hyperventilation at pagkahilo.
Pitong estudyante ang dinala sa ospital.
Sa pahayag ng pamunuan ng eskwelahan ang “Creative Colored Smoke” na ginamit ng mga estudyante sa aktibidad ang dahilan ng insidente. (DDC)