Typhoon Betty humina pa; signal number 2 nakataas sa dalawang bayan sa Cagayan
Humina pa ang Typhoon Betty habang nasa karagatan ng Batanes.
Ayon sa PAGASA huling namataan ang bagyo sa layong 350 km East ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers per hour sa direksyong northwest.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa bayan ng Sta. Ana at Gonzaga sa lalawigan ng Cagayan.
Signal Number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
– northern at eastern portions ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig)
– eastern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era)
– Apayao
– northern portion ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
– northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
Hanggang bukas araw ng Miyerkules (May 31) ng tanghali ay magdudulot ng 50 hanggang 100 mm na pag-ulan ang bagyong Betty sa Babuyan Islands, northeastern portion ng mainland Cagyaan, southern portions ng Ilocos Sur at sa northern portion ng La Union.
Simula Miyerkules ng umaga hanggang sa Huwebes (June 1( ng umaga, ay makararanas ng 50 hanggang 100 mm na pag-ulan sa Ilocos Sur at La Union.
Sa araw ng Biyernes inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo. (DDC)