Typhoon Betty bahagyang bumagal; signal number 2 nakataas sa Batanes at bahagi ng Cagayan

Typhoon Betty bahagyang bumagal; signal number 2 nakataas sa Batanes at bahagi ng Cagayan

Bahagyang bumagal ang kilos ng Typhoon Betty habang nasa karagatan ng east ng Cagayan.

Ayon sa PAGASA huling namataan ang bagyo sa layong 470 km East ng Aparri, Cagayan o sa layong 475 km East ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa sumusunod na mga lugar:

– Batanes
– northeastern portion of Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) including Babuyan Islands

Signal Number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

– rest of mainland Cagayan
– Isabela
– Apayao
– Ilocos Norte
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– northern and central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
– Quirino
– northeastern portion of Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)
– northern portion of Catanduanes (Caramoran, Viga, Gigmoto, Panganiban, Bagamanoc, Pandan)
– northeastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma)
– Pollilo Islands
– northern portion of Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
– northern and central portions of Ilocos Sur (Gregorio del Pilar, Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Cervantes, Burgos, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, Sigay, San Ildefonso, Galimuyod, Quirino, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan, Salcedo, City of Candon)

Simula ngayong Lunes (May 29) hanggang sa Martes (May 30) ay magdudulot ng 50 hanggang 100 mm na pag-ulan ang bagyong Betty sa eastern portion ng Babuyan Islands at sa northeastern portion ng mainland Cagayan.

Sa Martes ng umaga hanggang sa Miyerkules ng umaga ay makararanas ng 100 hanggang 200 mm na pag-ulan sa Batanes at sa eastern portion ng Babuyan Islands.

50 hanggang 100 mm na pag-ulan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, northern portion ng mainland Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, at Benguet.

Sa araw ng Biyernes inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *