Pag-iral ng fishing bansa tatlo pang lugar sa Oriental Mindoro, binawi na
Binawi na ang umiiral na fishing ban sa tatlo pang bayan at lungsod sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Ayon kay Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor, maaari nang pangisdaan ang Calapan City, Gloria, at Bansud.
Batay na rin ito sa pinakahuling resulta ng fish at water testing na isinagawa ng Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) at sinumite sa tanggapan ng Punong Lalawigan.
Samantala, nananatili pa ring iiral ang fishing ban sa karagatan ng bayan ng Naujan, Pola at Pinamalayan na nasa 15 kilometer radius mula sa ground zero ng pinaglubugan ng Mt. Princess Empress.
Samantala ayon kay Dolor, paparating na sa lalawigan ang Dynamic Support Vessel (DSV) Fire Opal na nagmula pa sa bansang Singapore.
Dumaong ito sa Subic Bay Freeport Zone at didiretso sa ground zero site na pinangyarihan ng paglubog ng Mt. Princess Empress tanker upang isagawa rito ang pagsipsip ng natitira pang langis sa lumubog na tanker na tinatayang tatagal ng 20 hanggang 30 araw. (DDC)