Pre-emptive evacuation sa mga lugar na maaapektuhan ng Typhoon Betty sa Cagayan, iniutos
Ipinag-utos ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) sa mga Local DRRMs na magsagawa ng pre-emptive evacuation o paglikas sa mga posibleng maapektuhan ng bagyong “Betty”.
Batay sa inilabas na Memorandum order No. 49 series of 2023, muling ipinaalala sa mga City at Municipal DRRM ng rehiyon na magsagawa ng mga kaukulang hakbang sa mga nasasakupang lugar lalo na sa mga bahain at madalas magkaroon ng landslide.
Pinasisiguro rin sa mga LGUs na striktong ipatupad ang “No sail, No fishing, at No river activities” sa mga lugar na malalapit sa Cagayan River. (DDC)