Typhoon Betty bahagyang humina; signal number 1 nakataas pa rin sa maraming lugar sa Luzon
Bahagyang humina ang Typhoon Betty habang nasa bahagi ng Philippine Sea.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 630 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 165 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong west northwest.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– Cagayan including Babuyan Islands
– Isabela
– Apayao
– Ilocos Norte
– northern and central portions of Abra (Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Danglas, La Paz, Dolores, Tayum, Bucay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney)
– Kalinga
– eastern and central portions of Mountain Province (Sadanga, Barlig, Natonin, Paracelis, Bontoc)
– eastern and central portions of Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Kiangan, Asipulo)
– northern and central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
– Quirino
– northeastern portion of Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)
Bukas (Lunes, May 29) ng tanghali hanggang sa Martes (May 30) ng tanghali, ang bagyo ay inaasahang magdudulot ng 100 hanggang 200 mm na pag-ulan sa eastern portion ng Babuyan Islands at sa northeastern portion ng mainland Cagayan.
Habang 50 hanggang 100 mm na tubig ulan ang ibubuhos nito sa Batanes, northwestern portion ng mainland Cagayan, at sa northern portions ng Ilocos Norte at Apayao.
Simula sa Martes (May 30) ng tanghali hanggan sa Miyerkules (May 31) ng tanghali, magdudulot ang bagyo ng 200 mm na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, at sa northern portion ng Ilocos Norte.
At 100 hanggang 200 mm na pag-ulan sa northern portion ng mainland Cagayan, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, at Benguet.
Simula sa Lunes (May 29), makararanas na ng pag-ulan dulot ng Habagat ang western portions ng Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.
Mananatiling nasa Typhoon category ang bagyo sa Huwebes ay maaaring humina ito bilang severe tropical storm. (DDC)