Super Typhoon Mawar nakapasok na sa bansa; pinangalanang Betty ng PAGASA
Pumasok na sa bansa ang Super Typhoon Mawar at pinangalanan itong “Betty” ng PAGASA.
Sa Tropical Cyclone Bulletin na inilabas ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 1,320 kilometers East ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 195 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 kilometers oer hour.
KKumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour sa direksyong west northwest.
Ayon sa PAGASA simula sa Lunes ng umaga hanggang sa Martes ng umaga, aabot sa 50 hanggang 100mm ang ulan na mararanasan sa Batanes, Babuyan Islands, at sa northern portions ng mainland Cagayan, Ilocos Norte at Apayao.
Sa Martes ng umaga hanggang Miyerkules ng umaga ay mas maraming ulan ang ibubuhos ng bagyo sa Batanes na aabot sa 200mm; 100 hanggang 200mm naman sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Supr at La Union habang 50 hanggang 100mm sa CAR, at northern portion ng mainland Cagayan.
Samantala, bagaman hindi direktang tatatamaan ng bagyo, ang western sections ng MIMAROPA, Visayas at Mindanao ay makararanas na pag-ulan dulot ng Habagat simula sa Linggo.
Sa Lunes at aMartes patuloy na uulanin ang ilang bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas.
Ayon sa PAGASA mananatiling nasa Super Typhoon category ang bagyo ngayong weekend.
Simula sa Lunes o sa Martes ay posibleng humina ito.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko at local disaster risk reduction and management offices na mag-antabay sa mga susunod na abiso na ilalabas ng weather bureau. (DDC)