Family Food Packs inihatid ng C-130 sa Batanes
Nagdala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mahigit 800 family food packs sa Batanes bilang paghahanda sa magiging epekto ng Super Typhoon Mawar.
Ang 850 family food packs o katumbas ng 7,395 kilos ng food packs ay isinakay sa C-130 aircraft.
Ang nasabing mga relief goods ay mula sa Department of SOcial Welfare and Development (DSWD) Regional Office 2.
Mula sa Tuguegarao Airport ay ibiniyahe ang mga ito patungong Batanes.
Una nang inalerto ng AFP ang kanilang search, rescue, at retrieval units para sa isasagawang humanitarian assistance at disaster response operations.
Kabuuang 7,970 personnel, 4,242 CAFGU Active Auxiliary members, at 180 reservists ang inalerto bilang mga first responders.
Naka-standby din ang 2,518 land transportation assets, 20 air assets, at 265 water assets para agad mai-deploy kung kinakailangan. (DDC)