Mahigit isang milyong food packs nakahanda sa pagtama ng Super Typhoon Mawar

Mahigit isang milyong food packs nakahanda sa pagtama ng Super Typhoon Mawar

Mayroong mahigit isang milyong food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakahanda para maipamahagi sa mga lugar na maaapektuhan ng Super Typhoon Mawar.

Sa inter-agency meeting na ipinatawag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na naihanda na ng ahensya maging ng kanilang Field Offices (FOs) ang mga food and non-food items (FNFIs) sa mga warehouse sa iba’t ibang rehiyon.

Ayon kay Gatchalian, mayroong mahigit 1 million family food packs (FFPs) at kabuuang 307,664 non-food items (NFIs) na naka-preposition na sa lahat ng rehiyon at sa DSWD National Resource Operations Center (NROC) at Visayas Disaster Resource Center (VDRC).

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan at first responders para matiyak ang sapat na relief items na handang ipamahagi sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyong Mawar. (DDC) 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *