Kaso ng COVID-19 sa Oriental Mindoro patuloy na tumataas
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office ng Oriental Mindoro, maroong 86 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Sa 86 na aktibong kaso, 5 percent ang kritikal, 10 percent ang severe at 52 percent ang nakararanas ng mild symptoms.
Nasa 34 percent naman ang asymptomatic.
Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Brgy. Bongabong na mayroong 16 active cases.
Dahil dito ay muling naglabas ng Public Health Advisory ang PHO para paalalahanan ang mga residente.
Nakasaad sa abiso na ang mga nagpositibo sa RT-PCR o Antigen Test ay kailangang mag-ISOLATE ng pitong (7) araw para sa mga fully vaccinated at may mild na sintomas.
Sa mga naging close contact ng COVID-19 positivie na may kumpletong bakuna, kasama ang booster at walang sintomas, maaaring pumasok sa trabaho ngunit panatilihing nakasuot ng face mask.
Sa mga mayroong mild na sintomas na close contact, manatili sa boob ng tahanan ng 7 araw o kung nais ay mag-antigen test o RT-PCR.
Kung nakakaranas ng moderate na sintomas, magpatingin sa pinakamalapit na Healthcare Center o klinika.
Paalala ng PHO, siguraduhin na may kumpletong bakuna kasama ang booster laban sa COVID-19.
Kung nasa matao o kulong na lugar tulad ng opisina, paaralan, ospital, at simbahan ay magsuot ng face mask, ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay o maglagay ng alcohol.
Makatutulong din ang pagpapalakas ng resistensya. (DDC)