Mga tauhan at kagamitan ng PCG handa na sa posibleng magiging ng bagyo
Nakahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lugar na maaaring tamaaan ng SUper Typhoon Mawar.
Mas pinahigpit ng Coast Guard District Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CGDBARMM) ang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyo sa rehiyon ng Bangsamoro.
Nanatiling nakabantay ang mga tauhan ng CGDBARMM sa iba’t ibang Coast Guard Stations nito sa mga pantalan ng rehiyon para tumulong sakaling magkaroon ng anumang insidente sa karagatan.
Samantala, nakaalerto na din ang Coast Guard District Western Visayas para sa agarahang evacuation o rescue operation kasunod ng posibleng epekto ng paparating na bagyo.
Siniguro din ang 24/7 na pagbabantay sa mga pantalan sa Western Visayas para masigurong ligtas ang mga naglalayag na barko, bangka, at iba pang sasakyang pandagat.
Patuloy ding pinapaalalahanan ang mga tripulante at mangingisda patungkol sa pinakahuling lagay ng panahon para maiwasan ang anumang aksidente sa karagatan. (DDC)