DBM inaprubahan ang pagpapalabas ng P25.16B para sa isang buong taong health insurance ng 8.4 milyong indigents
Inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng may halagang P25.157 billion sa PhilHealth na sasakop sa isang taong health insurance premiums ng halos 8.4 million na indigents.
Inaprubahan ng kalihim ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhing mabibigyan ang bawat Pilipino ng abot-kayang health care.
Ang mga indigent persons ay iyong mga walang hanapbuhay o kaya naman ay hindi sapat ang kita para sa mga pangangailangan ng pamilya na tinukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), base sa mga specific criteria nito.
Alinsunod sa Republic Act (RA) 11936, kukunin ang pondo mula sa authorized allotment sa ilalim ng FY 2023 General Appropriations Act (GAA). (DDC)