Declogging at desilting operations sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, pinaigting MMDA
Buong taon at hindi lamang tuwing tag-ulan ang declogging at desilting operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga drainage system sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Inaalis ng mga kawani ng MMDA ang lahat ng klase ng basura, putik, at burak na bumabara sa ating mga drainage at estero para maisaayos na daloy ng tubig at mapalaki ang kapasidad nito.
Sa report ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office mula January hanggang May 19, umabot na ng 175,893 linear meter ang nadeclog na drainage laterals habang 2,725 linear meter na ang na-desilt sa drainage mains.
Samantala, umabot naman sa 20,909 open waterways ang napalalim sa pamamagitan ng regular na operasyon ng MMDA.
Hiling ng MMDA na panatilihing malinis ang daluyang tubig dahil kung paulit-ulit ang pagtatapon kung saan-saan lamang, paulit-ulit ding nakaamba ang pagbaha at mga perwisyong dulot nito. (Bhelle Gamboa)