MMDA at MMDRRMC nakahanda na para sa Super Typhoon Mawar
Tiniyak ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) Acting Chairman Atty. Don Artes na nakahanda sa pag-ayuda ang ahensiya sa mga lugar na posibleng maaapektuhan ng Super Typhoon Mawar na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa darating na Biyernes, May 26.
Ayon kay Chairman Artes, nakahanda ang mga rescue teams, sasakyan, at kagamitan ng ahensiya na rumesponde sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng nasabing napakalakas na bagyo.
Kabilang sa mga naka-standby para ideploy ang fiberglass boats, aluminum boats, rubber boats, life vest, iba pang equipment, rescue vehicles, at military trucks. (Bhelle Gamboa)