Super Typhoon Mawar napanatili ang lakas; bahagyang bumagal ang kilos ayon sa PAGASA
Napanatili ng Super Typhoon Mawar ang lakas nito base sa pinakahuling tropical cyclone advisory ng PAGASA.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 2,065 kilometers East ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA sa susunod na tatlong araw ay patuloy pang lalakas ang bagyo.
Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
Simula sa Linggo hanggang Martes ay maaaring magdulot na ang bagyo ng malakas na [pag-ulan sa Cagayan Valley.
Posible ding mapalakas nito ang Habagat na magpapaulan naman sa western portions ng Luzon at Visayas.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko at ang local risk reduction and management offices na mag-antabay sa mga susunod na abiso ng weather bureau kaugnay sa nasabing bagyo. (DDC)