DA pinayuhan ang mga magsasaka sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Mawar na magsagawa na ng post-harvest sa kanilang mga pananim
Pinaghahandaan na ng Department of Agriculture (DA) ang tulong na ibiigay sa mga magsasaka at mangingisda na maaapektuhan ng papasok na bagyo.
Ayon sa DA, may naka-preposition nang seeds para sa palay at mais, gamot at biologics para sa livestocks at poultry.
Nakipag-ugnayan na din ang DA sa mga local government units at iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay sa monitoring sa pagtama ng Super Typhoon Mawar.
Kaugnay nito ay pinayuhan ng DA ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mature crops.
Inabisuhan din silang ilagay sa ligtas na lugar ang mga seed reserves, planting materials at iba pang farm inputs.
Importante ding mai-relocate ang farm machineries, equipment, at iba pang farm tools patungo sa mas mataas na lugar.
Kabilang din sa dapat na ihanda ang sapat na pagkain at tubig para sa mga ililikas na alagang hayop.
Ang mga magsasaka naman ay pinayuhan ng DA na iwasan ang paglalayag lalo na kung masungit na ang lagay ng panahon at malakas na ang alon. (DDC)