36 depot personnel ng MRT-3 nagpositibo sa COVID-19
Nagpatupad ng work from home arrangement sa mga officer personnel MRT-3 Depot.
Ito ay makaraang 36 Office Personnel sa MRT-3 Depot ang magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang RT-PCR test.
Sa ngayong limitadong bilang lamang ng office personnel ang pumapasok sa MRT-3 Depot at sila ay pawang nag-negatibo sa COVID-19.
Unang nagpositibo sa RT-PCR Test ang 33 office personnel at noong January 27, dagdag na tatlo pang tauhan ang nagpositibo sa sakit.
Nananatili namang walang kaso ng COVID-19 sa mga Stations Personnel ng MRT-3.
Habang mayroong 6 na COVID-19 cases sa Maintenance Service Provider nito na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.
Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na lahat ng nagpositibong tauhan ay agad naisailalim sa quarantine. (D. Cargullo)